Rizal Park sa Ballarat nakatanggap ng suporta para sa pagpapaganda ng lugar

Rizal day 2022  Rizal park Ballarat.JPG

December 30, 2023 at the Rizal Park in Invermay Park, City of Ballarat, the very first Rizal Park in the Southern Hemisphere. Credit: Yvon Davis / Intercultural Ambassador Program City of Ballarat

Nagsama-sama ang mga Pilipino sa Rizal Park sa Invermay sa Ballarat upang gunitain ang ika 127 taon ng Rizal Day. Pinamunuan ni Consul General Ma. Lourdes Salcedo ang pagbigay parangal sa kabayanihan ni Dr Jose P Rizal.


Key Points
  • Dumalo din ang mga miyembro ng Knights of Rizal.
  • Sa unang taon dumalo ang miyembro ng Kababaihan Rizalista Incorporated na pinamunuan ng apo sa tuhod na si Jospehine Quintero.
  • Ang Rizal Park sa Invermay sa Ballarat ang unang Rizal Park sa Souhtern Hemisphere.
Dumalo sa pagtitipon ng araw na iyon ang Mayor ng City of Ballarat, Des Hudson kung saan ipinaalam niya na ang mga pag-usad sa naganap na kampaniya upang pagandahin ang park. Kabilang sa development ang paglagay ng lugar para sa rebulto ni Dr Jose P Rizal at ang mga karagdagang pagpapaganda ng daan sa park.

Ang kampaniya ay pinamunuan ni Consul General ng Pilipinas sa Melbourne Ma. Lourdes Salcedo, lider ng komunidad at dating pangulo ng Filipino / Australian Association of Ballarat, Incorporated, (FAABI) Sherley Hart sa pakikipagtulungan sa FAABI at Filipino Australian Sports Club of Ballarat Inc (FASCOBI).

LISTEN TO
jopen quintero image

Rizal's legacy 125 years after Philippine Independence

SBS Filipino

16/06/202305:05

Share