'Benepisyo't payapa ang dala ng mga alon': Bakit nahilig sa surfing ang mga Pilipino sa Gold Coast

Badjao Board Riders surfing stress away through their every day life in Gold Coast.jpg

A group of Filipino surfing enthusiasts on the Gold Coast, the Badjao Board Riders, surf their stress away through their surfboards. Credit: Supplied by Joel Cubos

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Surfing ang nagbubuklod sa grupong Badjao Board Riders ng Gold Coast, pero hindi lamang alon ang hanap ng grupo. Hangad din nilang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan, lalo na ng karagatan.


LISTEN TO THE PODCAST
Gold Coast surfing enthusiasts on benefits of surfing image

Gold Coast surfing enthusiasts on benefits of surfing

07:51
Surfing at Burleigh heads.jpg
Once you’re standing up on the surfboard, strong legs keep you up. Shoulder and back muscles strengthen from paddling when surfing. Credit: Supplied by Joel Cubos

Benepisyo sa kalusugan

Pagod man sa kani-kanilang mga trabaho, walang pinapalampas na araw ang mga miyembro ng Pilipino surfers sa Gold Coast para sila'y makapag-surfing.

"Nasa 30 ang aming members, nasa kalahati ang active at nasa 10 ang talagang adik sa surfing. Kahit walang alon, araw-araw 'yan nasa tabing-dagat sila," kwento ni Joel Cubos isa sa nagtatag ng Badjao Board Riders.

Sa kanilang pagiging aktibo sa surfing, batid ng Filipino surfers na ito ang benepisyong dala ng surfing sa kalusugan, kasama ang pagiging kanilang katawan, kasama ang .
Joel Cubos surfing with his youngest daughter, Jes.jpg
Chef Joel Cubos, with his youngest daughter, Jes, acknowledges time spent surfing is a great way to enjoy the fresh air and a great outlet to release stress and tension. Credit: Supplied by Joel Cubos
"Unang-una naalagaan namin ang aming kalusugan, malaking bagay din preskong hangin kapag nasa tabing dagat ka," bigay-diin ng chef at ama na si Joel.

Malayo man sa karaniwang hilig ng mga Pilipino na larong basketball, natutuwa siya na natutunan niyang mag-surfing.

"Mga early 40s na ako nang unang matuto na mag-surfing. Pangarap ko ito noong medyo bata pa ako."

Sa bawat pagsakay niya sa kanyang surf board sa hampas ng mga alon ng karagatan, ramdam niya ang katahimikan.

"Kahit isang oras lang na surfing, sobrang refreshed at supercharged uli yung feeling."

'Best surfing spots'

Pasalamat ang maraming surfers sa Australia sa lawak ng baybayin na makikita sa kabuuan ng bansa.

Ilan sa pinakamagandang surfing spot sa mundo ay makikita sa Australia.

Sa , kasama ang Superbank, isang malaki at man-made sandbank na lumilikha ng isa sa pinakamahabang pag-alon sa mundo.
Superbank off the Gold Coast
The Superbank on the Gold Coast. The surf when at its best has unbroken waves running two kilometres from Hell's Kitchen at Snapper Rocks, past Rainbow Bay, Greenmount and Coolangatta to Kirra. (AAP Image/Supplied) NO ARCHIVING EDITORIAL USE ONLY Source: AAP / SUPPLIED/PR IMAGE

Pangangalaga sa kapaligiran

Itinuturing ni Joel Cubos na maswerte ito dahil sa Gold Coast napili ng kanyang pamilya na manirahan matapos na isang dekadang tumira sa Mackay, Queensland at sa Sydney.

"Any time that we want to go the beach and surf, madali lang kami makakapunta dahil malapit lang kami sa mga dagat."

Kaya naman aktibo rin si Joel at ang kanyang grupo sa pangangalaga ng karagatan na kanilang puntahan para mag-surfing.

"Ang mentality namin iisa. We care about the ocean. Kaya 'pag nakikita kaming basura na nagkalat sa tabing-dagat, pinupulot namin yun. Makabawas man lang sa dumi na napupunta sa dagat."
Filipino surfers from Noosa visiting Gold Coast .jpg
Surfing brings together enthusiasts, like this Filipino group from Noosa who visits the Gold Coast from time to time to go and try the different waves in Queensland. Credit: Supplied by Joel Cubos

'Community of surfers'

Dahil din sa hilig ng grupo ni Joel sa surfing, nagkaroon rin ng komunidad at samahan na kanilang maasahan din sa panahon ng hamon o problema.

Hindi rin nakakalimot ang grupo sa kanilang pinagmulang bayan, sa mga panahon ng kalamidad at pangangailangan, nagpapa-abot din sila ng tulong sa mga kababayan tulad na lamang ng ilang nagdaang bagyo sa Pilipinas.

Nagtutulungan ang grupo sa tuwing kinakailangan nilang mag-ambagan para magpaabot ng tulong sa Pilipinas lalo na sa kung may sakuna tulad ng bagyo at baha.

"Tulung-tulong lang kami kung anong maibibigay namin sa mga kababayan natin, gaya noong Bagyong Odette at nung sinalanta ang Siargao na itinuturing na surfing capital sa Pilipinas."

Share