Kilalanin ang ilan sa mga Pinoy naninirahan sa Perth

ethel reyes 1987.jpg

Larawan ni Jennefer Mabale at ng kanyang anak noong nag migrate sa Perth, Western Australia. Credit: E Reyes

May higit sa 46,000 Pilipino ang naninirahan sa Western Australia. Alamin natin ang kwento ng ilan sa kanila nakatira sa Perth.


Key Points
  • Ang Perth ang kabisera ng Western Australia.
  • Maraming Pilipino ang nagtratrabaho sa sektor ng kalusugan (ABS 2021)
  • Kilala ang Western Australia sa industriya ng mina.
Bawat isa sa atin ay may sariling kwento, kwento ng pagsiismulang muli, ng hamon, kabiguan at tagumpay. Kwento may halong pananalig, pag-asa at bayanihan. Ito ang mga mga natatanging kwento ng mga Pinoy sa Australya.  

'Noong una kami naimbitahan sa salo-salo sa Perth, ang sabi bring a plate. Dumating kaming buong pamilya na mag tig-isang plato. Nahiya kami noong nalaman namin na pot luck pala ang ibig sabihin ng bring a plate' - Ethel Jane Ramos, nag migrate ang pamilya sa Western Australia noong 1987

'Ang gusto ko dito sa Perth lahat malapit, walang traffic, walang toll. Simpleng buhay at mahalaga ang work-life balance.' Jeneffer Mabale, nagmigrate sa Perth noong 2005

LISTEN TO
GEORGE GREGORI - PINOYS IN AUS image

PhilTimes’ George Gregorio on new beginnings, maxing seven credit cards and serving the community

SBS Filipino

09/02/202417:26

Share