Ilang grupo, nagprotesta sa harap ng Parliament House habang nagtalumpati si Pangulong Marcos Jr

428655657_974921524179222_6734974349734291535_n.jpg

Protesters gathered at the front yard of the Australian Parliament House while Philippine President Marcos Jr. addressed both houses of the Australian Government. Credit: SBS

Bago ang kanyang pagharap sa mga mambabatas ng Australya, nagkaroon ng mga pagpupulong si Marcos sa ilang ahensiya sa kapitolyo, kabilang na ang Department of Foreign Affairs and Trade.


Key Points
  • Habang nagbibigay ng talumpati si Pangulong Marcos, isang grupo ng mga protesters ang nagsasama-sama sa harap ng Parliament House.
  • Kabilang ang madreng Australyano na tumira sa Pilipinas na si Sr Patricia Fox, para tuligsain ang human rights condition, corruption at judicial system sa Pilipinas.
  • Ilan sa mga nagbigay ng talumpari sa protesta ay si Greens Senator Janet Rice na naglabas ng signane patungkol sa human rights abuses sa Pilipinas sa umpisa ng talumpati ni Macros.
Sa ibang balita, maguumpisa na ang early works para sa extension ng Canberra light rail mula Civic o CBD patungong Commonwealth Park.

Mahigit isang taon din ang ginugol para i-aangat ang London Circuit para sa magiging light rail track ng stage 2A ng proyekto.

Kapag natapos ito, magiging mas madali na para sa Canberrans ang magtungo sa mga events ng ACT na kadalasang ginagawa sa Commonwealth Park o Parliamentary triangle.

Ayon kay ACT Chief Minister Andrew Barr, kinakailangan na mag-build ng mass transit system sa kapitolyo para suportahan ang inaasahang paglobo ng populasyon na inaasahang papalo sa 500,000 sa mga darating na taon.

Ang proyekto ay naglalayon na i-konekta ang hilaga at timog na bahagi ng Canberra, mula Gungahlin hanggang Woden.

Share