Bayanihan sa pagtaguyod ng lutuing Pinoy

bambi .jfif

Anna Manlulo, Sydney's Filipino Food Movement traveled to Melbourne to support and assist Uling: The Charcoal Project's five-course tasting menu, Around the world with Ube during the first-ever Ube Festival in Melbourne, 'Colour your world purple' Credit: SBS Filipino

Dumayo ng Melbourne ang ilang miyembro ng Filipino Food Movement mula Sydney para tumulong sa paghahanda ng 'Around the World with Ube: a 5-course tasting menu' sa kaunaunahang Ube Festival sa Melbourne, 'Colour our world purple'.


Key Points
  • Ang grupo ng Filipino Food Movement ay tumulong sa paghain ng five course tasting menu ng Uling: The Charcoal Project.
  • Layunin ng Filipino Food Movement na makilala ang pagkain o lutuing Pilipino sa Australya.
  • Ang ube ay nakikilala bilang piling sangkap sa taong 2024 sa ibat-ibang bahagi ng mundo tulad ng Estados Unidos.
Kabilang sa mga lumipad mula Sydney ng Filipino Food Movement si Anna Manlulo.

'Hindi namin layuning makilala sa mainstream food scene ang lutuing Pinoy, nais namin makilala na may lutuing Pinoy. Lagi kong sinasabi na di magmumula ang pagpapakilala mula sa mga Chef o negosyo, restawran. Ito ay magmumula sa komunidad, tayo mismo as a community, kapag inimbitahan natin mga kaibigan natin (hindi Pinoy) na kumain sa mga restawran na Pinoy, that's how we create the momentum.' Anna Manlulo, Filipino Food Movement, Sydney

LISTEN TO
uling image

Kakaibang ube sa hapag kainan

SBS Filipino

14/02/202407:01

Share